NGCP at NICA, lumagda ng kasunduan para protektahan ang transmission assets laban sa banta ng pananabotahe

Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para protektahan mula sa banta ng pananabotahe ang mga transmission assets ng gobyerno.

Pinangunahan nina NGCP President and CEO Anthony Almeda, National Defense Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., at NICA Director General Retired PLt. Gen. Ricardo de Leon ang pagpirma sa MOU.

Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang NICA na magbibigay sa NGCP ng mga intelligence information patungkol sa planong pagpapasabog ng mga power transmission assets.


Tutulong naman ang NGCP sa pagkakaloob ng technical assistance sa NICA para palakasin ang kanilang kapasidad sa cybersecurity.

Una nang kinondena ng NGCP ang mga pag-atake sa mga transmission facilities nito.

Kabilang dito ang NGCP tower sa Lanao del Norte na binomba at nagresulta sa mga power outages sa maraming lugar sa Mindanao.

Facebook Comments