Ilang high profile cases na tinututukan ng PNP, naresolba na

Case solved nang maituturing ang tatlo sa high profile cases na tinututukan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasama sa high profile cases na naresolba na ay ang pamamaslang sa New Zealander na si Nicholas Peter Stacey, pamamaril kay San Carlos Barangay Captain Vivencio Palo ng Lipa City at ang nangyaring pamamaril kay Lanao del Sur Gov. Mamintal “Bombit” Adiong Jr.

Paliwanag ni Azurin, naaresto at nasampahan na kasi ng patong-patong na kaso ang mga suspek na nasa likod ng krimen.


Samantala, gumugulong pa rin ang imbestigasyon hinggil sa pananambang at pagpatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ani Azurin, may development naman sa kaso dahil mayroon na silang persons of interest at tukoy na rin ang motibo sa krimen na business rivalry.

Facebook Comments