Handa ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa anumang gagawing imbestigasyon na nais ng mga mambabatas kaugnay sa usapin ng operasyon at performnace ng ahensya.
Ayon kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, hindi maikakailang mas maraming negosyo ang napaunlad dahil sa masigabong pamumuhunan na ginawa ng NGCP para maiayos ang transmission facilities ng bansa
Paliwanag ni Atty. Alabanza, mula nang sila’y nag-take over sa transmission development sa bansa hindi maikakailang mas maraming investor ng power plant ang nagtiwala sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Alabanza na katulad na lamang ng Right of Way Land Acquisition, Local Government Unit Permit at usapin ng seguridad
Giit pa ng NGCP, nangyari lang naman ang pagkakaroon ng red alert at pagkawala ng kuryente noong May 8 dahil sa biglaang pagbagsak ng ilang plantang nagsu-supply at pagtama ng kidlat sa isnag malaking transmission line nito na nagresulta ng pagkawala ng kuryente.