Domestic at international tourist arrivals sa Pilipinas, mas tumaas pa – DOT

Tumaas pa ang bilang ng domestic tourist at international tourist sa bansa dahil sa pagtaas ng booking sa mga hotel gayundin ang dumaraming demand sa mga tourism product sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ang ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na malapit nang maabot ng Pilipinas ang 2-million mark pagdating sa International Tourist Arrivals.

Ayon kay Frasco, nalampasan pa nito ang 1.7 million target international tourist arrivals noong 2022 na pinakamataas sa nakalipas na limang buwan.


Batay sa datos ng DOT mula nitong Enero ay nakapagtala na ang Pilipinas ng mahigit 1.9 million international arrivals.

Samantala, positibo naman si Frasco na maaabot ng Pilipinas ang target nitong 4.8 million international tourist arrivals para sa taong kasalukuyan.

Facebook Comments