NGCP, kinalampag sa mga hakbang at pagtugon sa napapadalas na power interruption sa bansa

Kinalampag ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Energy (DOE) at ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na paigtingin ang hakbang at maging proactive sa pagtugon sa napapadalas na power outage sa bansa.

Giit ni Hontiveros, taun-taon na lang ay nagiging problema ang malawakang blackouts at kakulangan sa suplay ng kuryente sa bansa pero tila walang ginagawa at walang pagkilos mula sa dalawang ahensya.

Hiniling ni Hontiveros na magpakita ang DOE at NGCP ng magiging kondisyon ng power supply at kung ano ang aasahan ng milyun-milyong consumers sa mga susunod na araw at buwan.


Binigyang diin pa ng senador na nararapat lamang na maipabatid sa mga consumers ang power at rates outlook at hindi yung bibiglain nanaman ang publiko matapos na mangako na gaganda ang sitwasyon pero puro blackouts at taas-singil pa rin ang gagawin.

Nagbabala pa si Hontiveros na ang power interruptions na dulot ng El Nino at ang deficit outputs sa Malampaya at hydroelectric projects ay magdudulot ng negatibong epekto sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Facebook Comments