Pagtitipon ng mga Pinoy sa Israel, pinalilimitahan sa harap ng tumitinding kaguluhan sa Gaza Strip

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Israel sa mga Pilipino doon na limitahan ang kanilang pagtitipon.

Sa harap ito ng tumitinding tensyon sa Gaza Strip.

Sa abiso ng embahada, pinalilimitahan ang mga pagtitipon sa labas ng hanggang sampung indibidwal lamang.


Habang ang outdoor na pagtitipon ay hanggang isang daan katao.

Pinapayuhan din ang mga Pinoy sa Israel na tiyakin na protektado sila sa kanilang pinapasukan.

Nagpaalala rin ang Philippine Embassy sa mga Pilipinong nakatira malapit sa Gaza Strip at sa Timog Israel na sundin ang mga panuntunan ng home front command at manatiling mapagmatyag sa paligid.

Facebook Comments