Sa ikatlong pagkakataon ngayong linggo ay muling nag-abiso ng Yellow Alert status ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP para sa Luzon at Visayas Grid.
Ito ay kasunod na naman ng kakulangan sa suplay ng kuryente.
Ayon sa NGCP, sasailalim sa Yellow Alert ang Luzon Grid mula 1:00pm hanggang 4:00pm at muling mauulit ng 8:00pm hanggang 9:00pm.
Sabi ng NGCP, ganito rin halos ang sitwasyon ng Visayas Grid, na makararanas ng kawalan ng sapat na suplay mamayang 1:00pm hanggang 4:00pm at mauulit ng 6:00-7:00pm
Paliwanag ng NGCP, ang dahilan pa rin nito ay ang pagpalya ng iba’t ibang mga planta.
Ang Yellow Alert status sa power grid ay isang abiso na nagpapahiwatig ng kakulangan sa suplay ng kuryente.
Facebook Comments