NGCP, mahihirapan sa pagsasa-ayos ng tumagilid na tore kasunod ng sunog sa Alabang

Manila, Philippines – Nahihirapan pa rin ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagsasa-ayos ng tumagilid nilang tore kasunod ng naganap na sunog sa Alabang, Muntinlupa City.

Gayunpaman, ayon kay Ronald Conception, Assistant Corporate Secretary ng NGCP – ginagawa nila ang lahat para masigurong kalkulado ang paglalagay nila ng crane na siyang magtatayo sa tore para maiwasan ang mas malalang aksidente.

Aminado rin si Conception na delikadong magtayo ng bahay sa ilalim ng tore pero kahit ilang beses pagsabihan, patuloy pa rin ang pagtatayo ng mga bahay doon.


Sa ngayon wala pa silang balak palitan nang buo ang nasirang tore at 1/3 lamang ang kanilang aayusin dahil matatag pa rin aniya ang pundasyon nito.
Nation

Facebook Comments