NGCP: Malawakang Brown Out Bukas Walang Katotohanan!

15

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines North Luzon na walang katotohanan ang kumalat sa social media na malawakang brown out bukas sa lalawigan ng Isabela, Ifugao , Kalinga at sa iba pang lugar dito sa rehiyon dos.

Sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kay NGCP North Luzon Officer Lilibeth Gaydowen, aniya walang power interruption ang May 5.

Sinabi pa ni Gaydowen na nagclarify na umano ang NGCP sa isang online na pahayagan kaugnay sa kumalat na malawakang brown out social media.

Paliwanag pa ni Gaydowen na maaring may nagshare or naglike lamang sa post noon pang 2017 kung kayat lumabas ito ngayon sa news feed ng ilan.

Samantala nanawagan si NGCP Officer Gaydowen na mag-ingat sa mga balitang nakikita sa soacial media upang hindi mabiktima ng fake news.

Facebook Comments