Pinag-iingat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang publiko sa mga taong nagpapanggap na kanilang empleyado.
Partikular na tinukoy ng NGCP ang mga indibidwal na nagsasagawa ng unauthorized Right-of-Way negotiations.
Naglabas ng babala ang NGCP kasunod ng ulat na may mga hindi otorisadong indibidwal ang nakikipag-negosasyon sa mga residente.
Madali umanong makilala ang mga totoo at tunay na ahente ng NGCP dahil sa suot nilang identification card, uniform at dalang authentic documents.
Nagsasagawa ang mga ito ng pakikipag-negosasyon nang patas at propesyunal.
Pakiusap ng NGCP sa publiko na maaari nilang ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang sinumang suspicious persons na nakikipag-transakyon sa kanila.
Facebook Comments