Nagpapatuloy ang ginagawang pagsisikap ng NGCP upang matukoy ang pagkakawala ng suplay ng kuryente sa malawak na bahagi ng Central Mindanao kahapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng NGCP, isang Fault mula sa bayan ng PIKIT North Cotabato ang naging dahilan ng UNBALANCE VOLTAGE ayon pa kay Michael Ligalig , Regional Communication at Public Concern Officer ng NGCP sa panayam ng DXMY.
Kabilang sa mga naapektuhan kahapon dahil na rin sa mayat mayang pagkakawala ng suplay ng kuryente mula sa KIBAWE -Sultan Kudarat 138KV Line ang mga area sa ilalim ng Cotabato Light and Power Company, Cotelco-PPALMA at MAGELCO .
Nagdulot naman ng matinding perwisyo ang pagkakawala ng suplay ng kuryente hindi lamang sa mga establishemento maging sa komunidad.
Samantala nanawagan ang NGCP sa publiko na iwasan ang pagpapausok sa ilalim ng mga poste ng kuryente dahil nagiging dahilan rin ito ng pag trip off ng kuryente maging sa mga kabataan na iwasan ang pagpapalipad ng Saranggola lalo na kapag malapit sa tore ng kuryente dahil delikado rin ito lalo na kapag sumabit sa mga linya ng kuryente o mismong tore ng NGCP.
NGCP File Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>