NGCP, nagpatupad ng rotational sa ilang lugar sa Luzon dahil sa manipis na suplay ng kuryente

Nagpatupad ng rotational brownout ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaninang 1PM hanggang 2PM.

Kabilang sa naapektuhan dito ay ang ilang bahagi ng Nueva Vizcaya, Ifugao, Ilocos Sur, Sorsogon at ilang parte na sakop ng franchise area ng Meralco.

Nasa Yellow Alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.


Ngayong 2PM hanggang 4PM ay ilalagay na ito sa Red Alert Status dahil sa kakulangan ng suplay para maabot ang demand ng power consumers.

Facebook Comments