DMW, tiniyak na ligtas ang Filipino crew members na sakay ng barkong tinamaan ng missile attack ng Houthi rebels kahapon

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang 13 Filipino crew members at isang Ukrainian seafarer na sakay ng barkong inatake ng missile ng Houthi rebels kahapon.

Ayon sa DMW, batay sa impormasyon mula sa local manning agency (LMA), ang naturang barko ay nagtamo ng mga pinsala sa missiles attack habang bumabagtas ito sa Yemeni coast malapit sa Hodeidah kahapon.

Nagpatuloy rin anila sa paglalayag ang barko patungo sa kanilang susunod na destinasyong puerto.


Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa shipping at manning agencies ng Pinoy seafarers para alamin ang kondisyon ng OFWs.

Nakausap na rin nila ang pamilya sa Pilipinas ng Filipino seafarers.

Facebook Comments