NGCP, naibalik na ang 87% ng power transmission services na naapektuhan ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao

Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 87% ng mga power transmission services sa Visayas at Mindanao na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Ayon kay NGCP Spokesperson Patricia Roque, naayos na ang Placer-Madrid grid lines sa Mindanao na nagsusuplay ng kuryente sa bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur at sa Siargao Island.

Habang sa Visayas, nagpapatuloy pa rin ang pagkukumpuni sa mga naapektuhang linya na nagsusuplay naman ng kuryente sa Leyte, Cebu, Bohol at Negros Island.


Hanggang Biyernes, December 31 ang target ng NGCP para maayos ang lahat ng linya ng kuryente sa Visayas maliban sa Bohol.

Facebook Comments