NGCP, naka-monitor sa sitwasyon ng kanilang power transmission service matapos muling mag-alburoto ang Bulkang Bulusan

79

Nanatiling normal ang serbisyo ng power transmission ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos muling mag-alburoto ang Bulkang Bulusan sa Brgy. Gulang Gulang, Irosin, Sorsogon.

Ayon sa NGCP, aantayin muna nilang humupa ang pagbuga ng maitim na usok bago sila makapagsagawa ng assessment sa kapal ng mga abo na bumalot sa kanilang transmission towers o substations.

Naka-standby na ang kanilang line men upang kagyat na makatugon sakaling magkaproblema na ang kanilang distribution utilities.


Mananatiling naka-monitor ang NGCP sa sitwasyon at magbibigay ito ng tuloy-tuloy na abiso sa sitwasyon ng kanilang power transmission.

Facebook Comments