NGCP, nakahanda sa paparating na Barangay at SK polls

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nasa maayos na kondisyon at tumatakbo ang lahat ng power transmission at facilities nito bilang paghahanda sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, October 30.

Ayon sa NGCP, patuloy ang clearing operations sa mga critical transmission lines upang hindi magkaroon ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa grid habang nasa kasagsagan ang pagpipili.

Inihinto muna ng NGCP ang mga non-critical maintenance work at construction activities sa loob ng mga substation nito mula October 23 hanggang November 3.


Naka-standby naman ang mga critical unit ng NGCP upang agarang tumugon sa line trippings.

Nakapaghanda na rin ng mga spareparts at naka-preposition na ang mga heavy equipment, cranes, line trucks at mga choppers para sa mga emergency restoration system.

Facebook Comments