NGCP, posibleng pagmultahin ng ERC dahil sa brownouts sa Luzon, Visayas

Posibleng pagmultahin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa nangyaring aberya sa mga transmission lines nito.

Sabi ni ERC Commissioner Floresinda Baldo-Digal, isandaang libo hanggang limang milyong piso ang posibleng ipataw na multa sa NGCP kung mapapatunayang may kapabayaan ang ahensya sa mga naranasang brownout sa Luzon at Visayas kamakailan.

Hinihintay pa ng ERC ang paliwanag ng NGCP ukol dito.


Tiniyak naman ng opisyal na dadaan sa masusing imbestigasyon ang nasabing isyu.

Samantala, handa umano ang NGCP na sumailalim sa performance audit ng ERC kasunod ng mga power outages.

Nangako rin ang ahensya na tatapusin ang key transmission projects nito kabilang Mindanao-Visayas Interconnection Project, Cebu-Negros-Panay Interconnection Project at ang Bataan/ Hermosa-San Jose line ngayong taon.

Facebook Comments