Senador Leila de Lima, kumpiyansang mapapawalang-sala rin sa isa pang drug case

“Two cases down, one more to go.”

Ito ang pahayag ni dating Senador Leila de Lima matapos siyang mapawalang-sala sa isa pa niyang kaso kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa illegal drug trade sa Bilibid.

Ayon kay De Lima, dahil sa aquittal ng dalawa niyang kaso ay nalalapit na ang paglaya niya mula sa aniya’y persecution sa kanya nang mahigit anim na taon.


Naniniwala ang senadora na mababasura ang lahat ng kasong isinampa laban sa kanya ng dating administrasyong Duterte na aniya’y pawang gawa-gawa lamang.

Kasabay nito, nagpasalamat si De Lima sa mga nagdasal at dumamay sa kanya sa nasabing laban.

Umaasa naman ang Makabayan bloc at sina dating Senador Kiko Pangilinan at Antonio “Sonny” Trillanes na mapapawalang-sala na rin ang isa pa niyang natitirang kaso.

Facebook Comments