Binawi na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ipinapairal na paghihigpit sa demand matapos na maging fully restored ang megawatts loads sa Panay Island.
Ayon sa NGCP, na-stabilize na ang power supply matapos ang matagumpay na synchronization ng 135MW Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) sa Visayas Grid.
Sa advisory, nasa 347.2MW na ang pumasok sa Panay power plants, kung saan 5.7MW ang kinuha sa ibang source patungo sa grid.
Sa kabuuan, mayroon nang 341.4MW served loads.
Mino-monitor ng grid operator ang sitwasyon, partikular ang pagbalanse sa pumapasok na power loads.
Facebook Comments