Lalaking nagbitaw ng bomb joke sa Quiapo, Maynila kaninang umaga, kakasuhan ng MPD

Sasampahan ng reklamo ng Manila Police District (MPD) ang isang 42-anyos na lalaki na nagsabi umano sa mga nagsisimba sa Quiapo na may pasasabugin siyang bomba.

Sa impormasyon ng MPD, kinilala ang suspek na si Dennis Garcia ng Brgy. Talipapa, QC na dinampot ng mga pulis matapos ireklamo ng mga deboto at isang guwardiya kaninang umaga.

Ayon kay MPD Chief PCol. Thomas Ibay, tutuluyan nilang kasuhan ang suspek upang hindi pamarisan.


Hindi aniya biro ang pagbabanta ng pagpapasabog o paggawa ng karahasan sa gitna ng pagtitipon ng marami.

Kasong paglabag sa PD 1727 o pagpapakalat ng maling impormasyon at pagbabanta na may kinalaman sa pampasabog ang ihahain laban sa suspek.

Facebook Comments