NGCP Region 02, Pinaghahandaan na ang Magiging Epekto ng Bagyong Ambo!

Cauayan City, Isabela- Ngahahanda na rin ng pwersa ng National National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Region 02 sa posibleng magiging epekto ng bagyong Ambo sa Lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Malou Refuerzo, Regional Communications and Public Affairs Officer ng NGCP Region 02, mayroon aniyang binuong disaster team ang NGCP bilang bahagi ng kanilang action plan para tumugon sa anumang emergency na maaaring makaapekto sa transmission system.

Tinitiyak din aniya ng NGCP na laging nakahanda ang mga line personnels maging ang mga equipment na nasa stable na sitwasyon sa panahon ng kalamidad.


Dagdag pa ni Ms. Rifuerso, bago pa dumating ang bagyong Ambo sa bansa ay nakapagsagawa na ng taunang preventive maintenance activities ang NGCP upang matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga transmission service.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng signal no. 1 ang buong probinsya ng Isabela, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at inaasahan na anumang araw ay makakaranas ang mga nasabing lugar ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin.

Facebook Comments