Ikinagulat ni Senator Win Gatchalian ang pagsasailalim sa red alert ng Luzon grid na nauwi sa pagpapatupad ng rotational brownouts.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gatchalian na abril pa lamang kasi ay tiniyak na sa kanila ng Department of Energy sa ginawang pagdinig sa senado na hindi tayo magkukulang sa supply ng kuryente.
Malinaw din naman aniya na tuwing panahon ng tag-init ay malakas ang konsumo ng kuryente kung kaya’t dapat ay wala munang isinasagawang maintenance at shutdowns ang mga planta.
Sa ngayon, sisilipin ng senado sa gagawing pagdinig kung may naging kapabayaan ang may-ari ng mga planta at ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Delikado rin aniya ang lagay ng mga COVID-19 vaccines sakaling mawalan ng kuryente lalo na’t kinakailangan ng mga ito ng malamig na tempereatura.