NGCP, tiniyak na hindi apektado ang mga power transmission lines nito ng malakas na lindol sa Isabela

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang serbisyo ng mga power transmission lines nito kasunod ng 5.8 magnitude na lindol na naganap sa Maconacon, Isabela kaninang umaga.

Ayon sa NGCP, nanatiling intact ang Luzon Grid at walang ulat ng mga power interruption at mga nasirang transmission lines sa mga lugar kung saan naramdaman ang lindol.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, maraming lugar sa Luzon ang niyanig ng lindol at pinakamalakas ay naramdaman sa Penablanca, Enrile at Tuguegarao City, Cagayan.


Bago magtanghali kanina, nararamdaman pa ang mga aftershocks sa bayan ng Maconacon.

Ang may kalakasang aftershock na may magnitude 4.2 ay naramdaman dakong alas-9:22 ng umaga.

Naitala ang intensity 1 sa Gonzaga, Cagayan at Ilagan, Isabela.

Facebook Comments