“No facemask, No entry” policy, ipinatutupad ngayon sa mga kulungan ng BuCor

Ipinatutupad ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang “No facemask, No entry” policy sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Ito ay ang minimum health standard protocol para maprotektahan ang bilanggo at mga tauhan ng BuCor sa harap ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa memorandum na inilabas ng BuCor, obligado ang lahat ng bisita na may transaksyon sa lahat ng opisina ng BuCor, NBP-National Head Quarters na magsuot ng facemask at magpakita ng pinakabagong resulta ng Rapid Antigen Test.


Sa 577 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na sumailalim sa COVID-19 rapid antigen tests sa nakalipas na dalawang araw, 55 na lamang ang positibo.

Patuloy rin ang contact tracing ng BuCor para makontrol ang hawaan ng virus sa mga pasilidad.

Facebook Comments