NHA, inimbitahan ang mga OFW at kawani ng pamahalaan ng mag-apply sa Government Employees Housing Program

Inimbitahan ng National Housing Authority (NHA)-Region 11 ang Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga empleyado ng pamahalaan na mag-apply sa Government Employees Housing Program.

Layon ng nasabing programa na makapagbigay ng disente at murang bahay sa mga unipormadong personnel ng pamahalaan kabilang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Bureau of Correction at iba pang mga kawani ng pamahalaan.

Kabilang sa mga bahay na inaalok sa nasabing programa ay two-storey duplex unit na may floor area na 60 square meters at lot size na 80 square meters.


Kung ang isang aplikante ay kwalipikado sa programa, nasa ₱5,000 ang pinaka-mababang monthly amortization at wala naman itong down payment.

Nasa ₱20,000 naman ang kinakailangan para sa reservation fee at ang unit at handa na rin para tirahan.

Facebook Comments