NHA, namahagi ng ₱380,000 sa mga biktima ng sunog sa Dasmariñas City, Cavite

Namahagi ang National Housing Authority (NHA) ng ₱380,000 tulong pinansyal para sa 38 pamilyang nasunugan ng tahanan mula sa apat na barangay ng Dasmariñas City, Cavite.

Tumanggap ng tig-₱10,000 ang bawat benepisyaryo mula sa mga barangay ng Paliparan 3, Burol, Langkaan at Salitran.

Ang Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ay ayuda para sa biktima ng kalamidad upang matulungan silang makapag-pundar muli ng mga kagamitan sa bahay at maisaayos ang kanilang tahanan.


Ilan sa nakatanggap ng ayudang pinansyal ay planong gamitin para makapagtayo ng maliit na negosyo at para makabili ng mga bagong kagamitan sa bahay.

Bukod sa mga apektado ng sunog, handa rin ang NHA na tumulong sa iba pang naapektuhan ng sakuna tulad ng bagyo, lindol, at pagbaha.

Facebook Comments