Inihayag ng National Housing Authority na on schedule ang kanilang pagkumpleto sa mga housing units sa most affected areas sa Marawi City.
Sa isang press briefing, sinabi ni Roderick Ibanez, pinuno ng Marawi housing project management office na nasa 36 percent na ang kanilang natatapos sa loob ng pitong buwan magmula nang pasimulan nila ang mga pabahay.
Mula sa 6,932 na transitory housing projects, nasa 1,608 na ang nagawa at nai award sa mga residente sa most affected areas.
Mula sa naturang bilang, nasa 1052 ang naitayo sa Sagonsongan at 711 sa Boganga .
Target naman na matapos sa Disyembre at sa second qaurter ng 2020 ang dagdag na 300 housing units Sagonsongan,789 sa Boganga at 1,000 sa Rorogagos.
Aminado si Ibanez na malaking hamon sa proseso ang paghahanap ng lote kawalan na mapagtatayuan ng mga lote ng mga housing units.
Kasama pa rito ang problema sa mga pasaway na mga may ari ng istraktura na patuloy na tumatangging ipagiba ang kanilang mga giba giba nang istraktura.
Pinaghihinalaan din na may mga lugar pa sa most affected areas ang may mga nakatanim pa na mga IEDs.
Tiniyak naman ng ahensya na nasa schedule ang clearing operation sa buwan ng Agosto.