Tutulong ang National Housing Authority (NHA) para sa mga nawalan at nasiraan ng bahay sa Southern Tagalog Region dahil kay Bagyong Rolly.
Naglaan na ng P508 million pondo ang NHA para rito.
Ang tulong pinansiyal ay ibibigay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program ng NHA.
Base sa ulat ng NHA Regional Office, aabot sa P136 million ang pondong inilaan para sa totally damaged houses habang P372 million naman para sa mga partially damaged.
Bawat pamilya na nawasak ang bahay ay makakatanggap ng tig P10,000 habang P5,000 naman sa mga bahagya lamang nasiraan.
Base sa datos, pinakamaraming naitalang totally damaged houses ay sa Quezon Province sa Region 4-A na aabot sa 1,049.
Habang 7,819 na mga struktura naman ang nawasak sa Occidental Mindoro sa MIMAROPA Region.