Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension without pay laban kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda.
Ito ay matapos anilang mapatunayang guilty si Antiporda sa reklamong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of service at oppression.
Ang mga reklamo ay unang isinampa ng mga kawani ng NIA.
Ipinag-utos din ng Ombudsman na ipatupad ang suspension sa loob ng tatlong araw.
Tatagal ang preventive suspension nang hindi lalagpas sa anim na buwan.
Facebook Comments