NIA, nagkaloob ng pondo sa mahigit 40 mga magsasakang nakilahok ng Rice Farming Program sa Pampanga

 

Umaabot sa mahigit 40 na mga magsasakang nakilahok ng Rice Farming Program ang matagumpay na nabahagian ng unang tranche ng pondo ng National Irrigation Administration (NIA) Pampanga-Bataan Irrigation Management Office.

Ayon sa NIA, may kabuuang 44 na magsasaka mula sa Barangay San Pedro San Juan (Timak), San Simon Farmers and Irrigators Association Inc., at First San Pedro San Simon Irrigators Association ang benepisyaryo ng naturang programa.

Dagdag pa ng NIA na kalahok ang mga magsasaka at sumusuporta sa Rice Contract Farming Program ng ahensiya kung saan ay saklaw ng mga ito ang 71.1 ektarya ng lupang sakahan sa lalawigan.


Paliwanag pa ng NIA na ang kaloob na pondo ay gagamitin para sa mahahalagang gawain sa paghahanda ng lupa at crop maintenance.

Ang pagsisikap na ito ng NIA ay bahagi ng isang mas malawak na programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong palakasin ang produksyon at tiyakin ang food security sa bansa.

Facebook Comments