Saad ni NIA Regional Manager , Engr. Gaudencio De Vera malaki ang potensyal ng mga nakalatag na proyekto ngayon para maging tourist spot sa rehiyon uno, isa na rito ang Madongan Dam na proyekto ng ahensya na ngayon ay isa binibisita na ng mga turista.
Dagdag naman ni Pangasinan Irrigation Manager Engr. Gertrudes Viado ang mga Small Reservoir Irrigation Project o SRIP ang mga proyekto ng ahensya na magandang gawing tourist site isa na rito ang Barbar SRIP sa Ilocos Sur, kung saan dinadayo ito ng mga vlogger dahil ito ay matatagpuan sa bunduking bahagi ng lalawigan.
Nagpakawala din ang ahensya ng limampung libong tilapia fingerlings sa nasabing dam.
Matatandaang simula noong magkapandemya isa sa mga dinarayo ng mga residente sa Pangasinan ay ang mga dam dahil sa restriksyong nagbabawal na mamasyal sa ibang bayan.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ang mga proyektong gagawin para sa taong 2022 sa buong rehiyon. | ifmnews