Puntirya ng National Irrigation Administration (NIA) na makumpleto sa April 2021 ang pagtatanim ng punong kahoy sa paligid ng Pantabangan Dam.
Sa ilalim ng Watershed Management Program ng NIA, may 220 ektaryang lupain ang tinataniman na ng iba’t ibang puno sa Pantabangan Dam na pinasimulan noong Marso ng kasalukuyang taon.
Inaasahang makakatulong ang programa sa negatibong epekto ng climate change.
Ayon kay Watershed Management Chief Daryl Pascua, nilalayon din nito na maprotektahan at mapanatili ang kinakailangang dami at kalidad ng tubig sa kanilang reservoir o imbakan ng tubig.
Ang programa ay pinondohan ng ₱16.46 million kabilang dito ang contract works at force account works.
Facebook Comments