Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang National Innovation Agenda and Strategy Document o NIASD 2023 hanggang 2032.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, ang NIASD ay plano para mas mapaangat ang pagbabago sa gobyerno at magkaroon ng pagbabago sa ecosystem.
Sa isinagawang ikalimang NIC meeting, iprinisenta ni National Development Authority o NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon, at nilalaman ng NIASD.
Tinalakay sa pagpupulong ang pag-apruba sa NIASD, at ang pagpili sa ikapitong NIC executive member, NIC official logo, at iba pang mahalagang usapin patungkol sa inaprobahang innovation agenda and strategy document.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na siyang Vice Chair ng NIC, na ang pagbuo ng dynamic innovation ecosystem ay isa sa anim na cross-cutting strategies para sa transformation agenda na natukoy sa Philippine Development Plan (PDP) 2023 hanggang 2028 para makamit ang masagana at matatag na mga Pilipino.