Pinalaya na ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief, Director General Nicanor Faeldon na si Nicanor Jr.
Ito ay matapos i-dismiss ng korte ang drug charge laban sa kanya.
Ayon kay Bicol Police Regional Office (PRO-5) Chief Superintendent Arnel Escobal – pinayagan nang makalabas ng Naga City Police Detention facility ang nakababatang Faeldon.
Aniya, walang nakitang sapat na ebidensya ang korte para patunayang ang bahay kung saan inaresto si Faeldon Jr. ay talagang drug den.
Bukod kay Faeldon Jr., pinalaya na rin sina Allan Valdez at Manuel Nebres na kabilang sa mga inaresto.
Nananatili pa ring nakapiit si Russel Lanuzo, alias ‘Bubbles’ na siyang mag-ari ng bahay.
Matatandaang inireklamo si Faeldon ng paglabag sa Section 7 (pagbisita sa drug den) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos siyang arestuhin sa pinaghihinalaang drug den sa Barangay Mabolo, Naga City nitong December 14.