Inihayag ni Nigerian Ambassador to the Philippines Folakemi Ibidunni Akileye na nakahanda ang Nigeria na tulungan ang Pilipinas hinggil sa suplay ng langis.
Ito ang tiniyak nito sa isang press conference matapos ang kaniyang courtesy visit kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ayon kay Akileye, isa ang Nigeria sa pinakamalaking producer ng langis sa mundo habang pangatlo naman ito sa pinakamalaking producer ng natural gas.
Sa kabila nito, inamin ng ambassador na wala pang pormal na plano na binuo hinggil dito dahil sa mga tinitignang “modalities”.
Una nang nagpahayag si South African Ambassador to the Philippines Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe kay Marcos Jr. ng kahandaang pagtulong ng kanilang bansa hinggil sa oil products.