Night Job Fair sa Labor Day sa Pangasinan kasado na

Kasado na ang inihandang Night Job Market ng Pangasinan Employment Service Office (PESO) para sa pagdiriwang ng Labor Day bukas.
Ayon kay Ma. Richelle Raguindin ng PESO kasabay ng Pistay Dayat at Labor Day isasagawa ang Night Job Fair sa mismong compound ng PESO Alvear St. Capitol Complex Lingayen Pangasinan 4: 00 ng hapon hanggang 12:00 ng madaling araw. Gabi gaganapin ang naturang Job Fair dahil sa matinding init na nararanasan ng lalawigan.
Sinabi ni Raguindin na ang Night Job Fair ay hindi lamang para sa mga taong may trabaho ngunit para sa mga may trabaho ngunit naghahanap ng mas magandang trabaho. Mayroong 15 lokal na kompanya ang lalahok sa Job Fair na manggaling sa Manila, Pampanga, Tarlac at marami pang iba. Ilan sa mga maaring applyan ay ang factory workers, medical personnel, dentist, guro, construction workers at iba pa.
Makikita din sa gabing iyon ang mga POEA, OWA, TESDA, SSS at PRC. Ang services ng PRC ay pagbibigay ng aplikasyon ng board exam, lisensya, renewal, pag-release ng mga id cards ng lisensya, sa mga gustong kumuha ng certifications at authentication.
Magkakaroon libreng accomodations para sa mga aplikante na manggagaling pa sa malalayong lugar at mayroon ding libreng kape at tinapay upang hindi makaradaman ng antok ang mga aplikante. Ang Night Job Fair ay proyekto ng Provincial Government at PESO.
Ito na ang panglimang Night Job Market at nagsimula ito sa taong 2016.
*Ulat ni: Jeselle Arah Posadas at **Ma. Leonora Ulanday* [image: 10357831_743585105687526_3372948649868555233_n.jpg]

Facebook Comments