Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic act number 11053 o ang batas na nagaamiyenda sa republic act nunber 8049 o ang anti hazing and regulation of other initiation rites of fraternities, sororities and other organizations.
Batay sa bagong batas na tatawaging anti-hazing act of 2018, labag sa batas ang anomang klase ng initiation right na maituturing na Hazing.
Kailangan din humingi ng kaukolang permiso sa mga otoridad ang anomang organisasyon 7 araw bago gawin ang initiation rites.
Hindi din dapat lalampas sa tatlong araw ang gagawing initiation activities ng mga fraternities, sororities at iba pang organisasyon.
Binigatan din ng bagong batas ang parusa sa mga lalabag dito.
Sakaling maatunayang nagkaroon ng hazing at mauwi sa pagkamatay, rape, sodomy, mutilation o pagkaputol ng anomang bahagi ng katawan ang biktima ng hazing ay may parusang reclusion perpetua o panghabang buhay na pagkakakulong ang ipapataw sa mga nagkasala bukod pa sa 3 milyong pisong multa sa mga direktang sangkot sa hazing.
Mananagot narin bilang kasabwat ang mga school authorities kabilang ang faculty pati na ang barangay, municipal at city officials sakaling payagan ng sino man sa mga ito ang hazing.
Kasama din sa mga makakasuhan ang mga mapatutunayang alam nila ang hazing pero walang ginawa ang mga ito para pigilan at hindi iulay sa mga otoridad ang aktibidad
Mapapatawan ang mga ito ng reclusion temporal o pagkakakulong ng hanggang sa 30 taon at mapagmumulta pa ng 1 milyong piso.
Nilagdaan ng pangulo ang nasabing baas June 29, 2018.