Pirmado na ang memorandum of agreement (MOA) hinggil sa agricultural cooperation ng Pilipinas at Papua New Guinea.
Ang MOA ay nilagdaan nina Agriculture Secretary Manny Piñol at Papua New Guinea Agriculture and Livestock Minister Benny Allan.
Sa ilalim ng kasunduan, kapwa isusulong ng dalawang bansa ang konsultasyon, technical assistance at joint research ukol sa sektor ng agrikultura.
Sakop nito ang produksyon ng bigas, niyog, kape gayundin sa fish farming at livestock breeding.
Kasabay nito, binisita ni Piñol at ilan pang opisyal ng bansa ang Philippines-Papua New Guinea Rice Demonstration Farm sa labas ng port Moresby kung saan nagpadala ng 19 na Filipino farm technicians ang Pilipinas noong Agosto.
Facebook Comments