KAMPEONATO | NU PEP Squad, wagi sa UAAP Season 81 Cheerdance Competition

Manila, Philippmines – Muling nasungkit ng National University (NU) PEP Squad ang kampeonato sa katatapos lang na University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Season 81 Cheerdance Competition kahapon.

Pinamalas ng NU ang makapigil-hiningang stunts sa saliw ng Mexican-themed nilang performance na inspired din ng pelikulang “Coco”.

Nitong nakaraang taon nang mabali ng Adamson University ang 3-peat championship ng NU mula 2013 hanggang 2015.


Itinanghal naman na first runner up ang Far Eastern University sa kanilang throwback performance na 70’s theme.

Second place naman ang champion noong 2017 na Adamson sa kanilang “Lion King” performance.

Facebook Comments