Camarines Sur – Nasagip ng mga otoridad ang isang bagong silang na sanggol matapos ilibing ng buhay ng sariling ina sa bayan ng Goa, Camarines Sur.
Sa ulat, nag-report sa presinto ang isang Allan CelsoJr., residente sa lugar, matapos nitong matagpuan ang isang bagong silang na sanggol sa kanilang bakuran.
Kaagad naman aniyang itinakbo sa Goa Municipal Infirmary ang sanggol matapos malamang humihinga pa ito.
Napag-alaman na pre-mature ang babaeng sanggol kung kaya’t pansamantala muna itong inilagay sa incubator kung saan pinaniniwalaan sa lugar rin mismo nag-labor ang ina ng sanggol dahil na rin sa mga dugong nagkalat sa lugar.
Facebook Comments