Manila, Philippines – Nililimitahan na ng Philippine National Police ang pagrerecruit ng mga babaeng pulis.
Ito ang reaksyon ni PNP Chief Police Director Gen. Oscar Albayalde sa panukalang batas ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na dagdagan pa ang bilang ng mga Babaeng Pulis para matutukan ang kaso ng mga inaabusong bata at kababaihan.
Paliwanag ni PNP Chief, hindi naman nila dinidiscriminate ang mga babae pero sobra na ang mga ito sa kinakailangang bilang ng PNP.
Aniya, nakasaad sa batas na dapat ay 10 porsyento lamang ng buong bilang ng hanay ng PNP ang mga babaeng pulis.
Dapat din aniyang isaalang alang ang operasyon ng Pambansang Pulisya na bagama’t desk duty o nasa Clerical works ang toka ng mga Babaeng Pulis, posibleng makaapekto pa rin ito lalo na kapag nagmaternity leave ang mga babaeng Pulis kapag nagkapamilya na sila.