NILINAW | 10-anyos na natamaan ng ligaw na bala , hindi biktima ng indiscriminate firing

Manila Philippines – Nilinaw ni Senior Superintendent Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan City PNP na hindi biktima ng indiscriminate firing ang dalawang sampung taong gulang na mga bata na nasugatan sa insidente ng pamamaril.

Ayon kay Modequillo, nakaalitan ng suspek na si Isagani Ancheta ang kainuman nitong si Gil Calupaz kaya’t kumuha siya ng baril saka ito pinaputukan at tinamaan din ang mga batang sina Princess Denise at Joven.

Depensa naman ng suspek na si Ancheta sinakal siya ni Calupaz kaya’t dinepensahan lamang niya ang kaniyang sarili.


Hindi naman umubra ang palusot ng suspek kung saan bugbog sarado ito sa taong bayan bago dalhin sa himpilan ng pulisya at narekober din sa kaniya ang ginamit na baril at isang sachet ng shabu habang inoobserbahan pa din sa ospital ang mga biktimang nabaril nito.

Facebook Comments