HULI | Lalaki, arestado matapos walang habas na magpaputok sa Quezon City

Manila Philippines – Nang dahil sa kalasingan, arestado ang isang lalaki matapos na walang habas na magpaputok sa New York Street, Cubao, Quezon City.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Quezon City police district (QCPD) station 10 hinggil sa apat na beses na pagpapaputok ng baril ng suspek na si Edmund Barber, 48-anyos na residente sa naturang lugar.

Agad silang rumesponde sa lugar kung saan sa una ay tinangka pang manlaban ng suspek pero sumuko din ito matapos makumbinsi ng mga kamag-anak.


Umamin naman ang suspek na nagpaputok ngunit depensa nito na lasing lamang siya nang gawin iyon at humingi din siya ng tawad sa isang babae na nabaril niya sa paa.

Facebook Comments