NILINAW | Alejano, walang personal na galit kay Arroyo

60

Manila, Philippines – Nilinaw ni Magdalo Party Representative Gary Alejano na wala siyang personal na galit kay House Speaker GMA sa kabila ng nangyari noon na Oakwood mutiny na pinagmulan ng kanilang pag-aklas dahil sa kurapsyon umano ng AFP.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Alejano hindi naman lahat ay kumukontra sila sa gobyerno kapag sa tingin nila ay pakikinabangan ng taongbayan ang mga ihahaing panukalang batas.


Paliwanag ng Magdalo Representative Alejano na ang problema sa ating bansa ay policy direction na hindi ipinatutupad ng Duterte Administration.

Giit ni Alejano na dapat sundin ng mga sundalo ang konstitusyon hindi ang pangulo ng bansa na posibleng aniyang nagkakamali sa kanyang mga desisyon.

Facebook Comments

From Advertisers