NILINAW | Bagyong Ompong, hindi magpapabaha sa Metro Manila kumpara sa nangyari noon sa bagyong Ondoy

Manila, Philippines – Nilinaw ng PAGASA weather Bureau na bagamat uulanin ang Metro Manila sa pagtama ni Ompong sa kalupaan, hindi naman ito kasingdami o katulad ng ibinuhos noon ni Typhoon Ondoy.

Ayon kay Weather Forecaster Loriedin delaCruz, noong September 26,2009, nasa 455 mm ang maximum na volume ng ulan ang ibinuhos ni Ondoy sa loob ng isang araw.

Sa panahon na iyon, Metro Manila ang napuruhan.


Dito aniya sa Ompong, nasa 42 mm ang ibubuhos na ulan sa loob ng 24 oras.

Pero, kung ihahambing sa Ondoy, mas sa Northern at Central luzon ang buhos ng malaking volume ng tubig ulan.

Pero, kung magtuloy tuloy ito hanggang sa araw ng Lunes, maaring makaipon na 130 mm na maximum na tubig na magbabanta na ng mga pagbaha sa mga low lying areas sa Metro Manila.

Facebook Comments