NILINAW | BI, klinaro na walang pinatutupad na crackdown sa foreign missionaries sa bansa

Manila, Philippines – Walang pinatutupad na crackdown ang Bureau of Immigration (BI) sa foreign missionaries sa bansa.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval kasunod ng desisyon ng BI Board of Commissioners na ipa-deport at ilagay sa blacklist si Australian missionary Sister Patricia Anne Fox.

Ayon kay Sandoval, welcome sa Pilipinas ang lahat ng foreign missionaries basta at susundin nila ang immigration laws ng bansa.


Aniya, ganito rin ang ginagawa ng mga Pilipino kapag sila ay nasa ibang bansa.

Nagkataon lamang aniya na nilabag ni Sister Fox ang mga kundisyon sa missionary visa na pinagkaloob sa kanya kaya ipinag-utos ng BI na siya ay maipa-deport sa Australia.

Facebook Comments