Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) ang pinalabas na ulat ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA patungkol sa bumabang Foreign Plegde Investment o Commitment ng mga dayuhan sa bansa.
Sa ginanap na forum sa Samahang Plaridel sa Manila hotel sinabi ni DBM Secretary Benjamin Diokno na ang mahalaga ay may pumasok ng direct foreign investment.
Paliwanag pa ng kalihim noong isang taon ay nakapagtala ng sampung bilyong dolyar mula sa foreign direct investment.
Nilinaw pa ni Diokno na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) lamang ang maaaring magpalabas ng Information o data kung tumaas o bumaba ang Foreign Pledge Investment at hindi pa PEZA.
Facebook Comments