Manila, Philippines – Nasa higit 80 websites pa ng gobyerno ang offline at hindi ma-access.
Paglilinaw ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary Alan Silor, hindi na-hack ang mga ito at wala ring nakompromisong data.
Paliwanag ni Silor, may hard drive na bumigay dahil sa kalumaan at kailangan itong palitan.
Tiniyak din ng DICT na hindi ito naapektuhan ang online passport appointment.
Nakatakda i-update ang system sa susunod na linggo habang maibabalik na ang mga nag-down na website pagdating ng weekend.
Facebook Comments