NILINAW | Eleksyon sa 2019, tuloy!

Manila, Philippines – Tuloy ang eleksyon sa susunod na taon.

Ito ang nilinaw ng Malacañang sa harap ng naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng ipagpaliban ang halalan sa 2019 kapag natuloy ang pagpapairal na Federalism sa bansa.

Ayon kay Alvarez, pwedeng mag-convene ang kongreso ngayong buwan para talakayin ito at magsagawa ng referendum sa mayo kasabay ng nakatakdang barangay elections.


Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – susundin ni Pangulong Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas na pagdaraos ng halalan kada tatlong taon.

Tuloy aniya ang 2019 elections maliban na lang kung aamyendahan ang Saligang Batas.

Facebook Comments