Manila, Philippines – Nilinaw ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na mananatiling independent ang Sangay ng hudikatura sa gitna ng mga pangangailangan nito para sa mga ipatutupad na reporma.
Ayon kay Bersamin, ang Kataasang-Taasang Hukuman ay bahagi ng Sovereign Nation at ang tungkulin nito ay maging independent judiciary.
Paliwanag ni Bersamin, hindi maaaring palaging dudulog sa dalawang equal branch ng government upang humingi ng ayuda.
Aniya, ang kahalagahan ng mga katuwang o development partners ng Korte Suprema na laging handa na magpondo sa mga inisyatiba ng korte.
Ilan sa mga ito ay ang US Agency for International Development, American Bar Association, Asia Foundation at iba pa.
Ang pahayag ni Bersamin ay bahagi ng kanyang talumpati sa pagtatapos ng proyektong JUSTICE o ang Judicial Strengthening To Improve Court Effectiveness.